Bidbid

Ang isdang bidbid ay kabilang sa pamilya Elopidae at ang pinakakilalang uri ay ang Elops. Matatagpuan ito sa malawak na karagatang tropiko, sa may lalim na 1-30 metro. Ang mga batang bidbid ay pumapasok sa mga estuwaryo at tubig tabang.

Ang katawan ay fusiform, pabilog, at medyo siksik. Malaki ang mga mata at bahagyang binabalutan ng taba ng pilikmata. Ang bibig ay nasa dulo, ang itaas na panga ay umaabot hanggang sa mata, at ang ibabang panga ay kitang-kita. May 95-20 kaliskis ang linya sa gilid ng katawan.

Ang pinakakilalang uri ng bidbid ay ang Elops hawaiensis. Ang lahat ng palikpik ay walang tinik. Ang mga kaliskis ay napakaliit, halos 100 sa gilid ng katawan. Ito ay makikitang pumapasok sa mga lawa, estuwaryo, bakawan, at palaisdaan.

Minsan ay pinapasok din ang mga sapa pero hindi ang pinakaloob. Mabilis itong lumangoy at kadalasan ay nagsasama-samang lumangoy sa karagatan. Nangingitlog sa dagat at ang larva ay lumalapit sa pampang habang ito ay lumalaki.

Kumakain ng iba’t ibang uri ng isda at krustaseo. Ito ay ibinebenta nang sariwa o inilalagay sa yelo. Ito rin ay ipinoproseso upang gawing pagkain ng ibang isda. Walang masyadong pag-aaral tungkol sa biyolohiya ng bidbid.

Pinagmulan: NCCA official | Flickr

Mungkahing Basahin:

Leave a Reply