Bilo-Bilo

Ang bilo-bilo ay galapong na binilog na tila mga holen, malimit na sinlaki ng holen, at pangunahing sangkap sa ginatan, lalo na ng alpahor. Kaya itinuturing na mabigat na meryenda ang alpahor, dahil mula sa giniling na bigas ang bilo-bilo at tila kumakain din ng kanin ang kumakain ng alpahor.

Isipin pa ang bigat ng meryenda kung sasabayan ng biko ang paglaklak ng alpahor.

Dapat ituring ang bilo-bilo na isang malikhaing paghahain sa bigas, bukod sa kanin at puto. Marami ang hindi nakakikilala sa bilo-bilo bilang transpormasyon ng bigas. Lalo nang hindi napapansin ang bilo-bilo bilang bagong hubog ng galapong (na mula sa giniling na bigas) kapag nakahalo ang bilo-bilo sa matatamis at malinaman na ibang sangkap ng alpahor.

Pinagmulan: NCCA Official | Flickr

Mungkahing Basahin: