Saan matatagpuan ang lawang taal?

Isang lawa na may tubig tabang ang Lawang Taal sa lalawigan ng Batangas.

Ang tubig ng lawa ay pumupuno sa Kalderang Taal o ang maluwang na bunganga na nabuo dahil sa malaking mga pagsabog ng bulkan mga 500,000 hanggang 100,000 taón na ang nakalilipas.

Ang Lawang Taal ang ikatlong pinakamalaki sa bansa, kasunod ng Laguna de Bay at ng Lawang Lanao.

Sa gitna ng Lawang Taal ay may tinatawag na Volcano Island na mayroon ding lawa sa bunganga (crater lake). Ang crater lake ang pinakamalaking lawa sa mundo na nasa loob ng isang lawa sa isang pulo, na mayroon namang isa ring maliit na pulo sa loob, ang Vulcan Point.

Dahil sa naturang pangyayari, ang tubig sa lawa ay sulpuriko. Ngunit noong araw, ang Lawang Taal ay konektado sa Look Balayan. Dahil sa mga pagputok ng bulkan noong ika-18 siglo, ang koneksiyon ay kumitid sa isang lagusan, ang Ilog Pansipit, na unti-unting nagbara dahil sa siltasyon.

Sa gayon, ang tubig alat sa lawa ay unti-unting naging tubig tabang. Naging tahanan ang lawa ng mga katutubong isda at ibang lamáng-tubig. Pinakapaborito ang malinamnam na maliputó. Pinakapopular naman ang tawílis, na isang tubig tabáng na sardinas. Isa ring paboritong pook panturismo ang lawa at ang matandang bayan ng Taál, Batangas.

Unang ipinahayag na protektadong pook ang Lawang Taal noong 22 Hulyo 1967 at sinasaklaw ang 62,292 ektarya. Sa ilalim ng Republic Act 7586 o National Integrated Areas System (NIPAS) Act of 1992, muling naipahayag ang naturang kalagayan ng lawa noong 16 Oktubre 1996.

Ang protektadong pook ay pinamamahalaan ngayon ng isang Protected Area Management Board (PAMB). Napuna ang kapabayaan noong 2008 at magkaroon ng fish kill sa lawa. Umabot sa 50 metriko toneladang isda ang napuksa. Noon namang 2007, naging kontrobersiyal ang nagtatayo ng isang health spa ng kompanyang Koreano sa Volcano Island.

Pinagmulan: NCCA Official | Flickr

Mungkahing Basahin:

Leave a Reply