Magkano suweldo ni Yorme Isko Moreno?

Alam mo ba kung magkano ang suweldo ni Mayor Isko Moreno Buwan-buwan?

Ang suweldo po ni Yorme Isko Moreno kada buwan ay Php122,000.

Maliban sa kanyang natatanggap na buwanang sahod, siya rin po ay tumatanggap ng karagdagang Php28,000 kada buwan.

Ang Php28,000 buwan-buwan na kanyang natatanggap ay ang kanyang buwanang RATA. Ang ibig pong sabihin ng RATA ay Representation and Transportation Allowance.

Ang halaga ng RATA ay ibinibigay base sa kita ng isang lokal na pamahalaan. Kailangan ito ng mga lokal na namumuno sa lokal na pamahalaan kagaya ng gobernador at mayor para sa kanilang gastos sa transportasyon habang nasa aktwal na pagganap ng mga tungkulin at responsilidad ng kanilang mga posisyon.

Pinagmulan: dbm.gov.ph at youtube

Mungkahing Basahin: