Sino si Jenny Anne Barretto?

Alam niyo ba na isang Filipina ang nakadiskubre ng pinakamalaking caldera sa buong mundo?

Ang Filipino marine geophysicist na si Jenny Anne Barretto at kanyang team ang nakatuklas sa Apolaki Caldera na matatagpuan sa Benham Rise sa hilagang-silangang bahagi ng Pilipinas.

Ang naturang caldera ay may tinatayang diameter na 150 kilometro, mahigit doble ng sukat ng Yellostone sa USA.

Ngayong International Day of Women and Girls in Science, kilalanin natin ang natatanging kontribusyon ng kababaihan at suportahan sila sa larangan ng siyensya.

Pinagmulan: DepEd Philippines

Mungkahing Basahin: