Delikadong Sintomas na Mataas ang Kolesterol

Delikadong sintomas na mataas ang kolesterol sa iyong katawan

Alam naman natin na masama ang pagkakaroon ng mataas na kolesterol sa katawan. Dahil maaaring
kaakibat nito ang iba’t iba pang sakit gaya ng komplikasyon sa puso, high blood at iba pa.

Ang regular na pagpunta sa doktor upang mamonitor ang iyong kolesterol ay kailangan.

Narito ang mga senyales ng mataas na kolesterol na dapat mong ikabahala:

  1. Pagmimintig ng mga kamay o paa – Ang pakiramdam ng pagmamanhid at pamimintig ng mga daliri, kamay at paa ay isang malinaw na senyales ng pagkabawas ng daloy ng dugo sa mga ugat. Ito ay dahil ang mga tissues at nerves ay nakakatanggap ng kakaunting oxygen at nutrisyon dahil ang iyong mga capillaries ay barado.
  2. Cholesterol deposit sa mata – Kapag ikaw ay may napansing parang maliit na tagihawat na kulay dilaw sa gilid ng iyong mga mata, suriin itong mabuti, dahil kapag ito ay naninilaw, malinaw na sinasabi nito na mataas ang iyong kolesterol sa katawan.
  3. Pananakit sa itaas na bahagi ng iyong spine – Ang pagkakaroon ng pagkirot at pananakit sa likod ng iyong ulo,batok, balikat, at itaas na parte ng spine ay maaaring dahil sa kakulangan ng tamang daloy ng dugo na dulot ng pagkabara ng mga ugat dahil sa kolesterol.
  4. Malakas ng pagtibok ng puso (Palpitations) – Kapag ang iyong mga ugat ay barado dahil sa cholesterol deposits, ang kaso nito ay mas malakas at mas mabilis na pagpa-pump ng dugo ang iyong puso. Kaya naman nagiging malakas ang pagtibok nito at maaaring may dalang pananakit ng kaliwang bahagi ng dibdib.
  5. Grey “Ring” palibot sa itim na bahagi ng mata – Ang pagkakaroon ng “ring” formation nakapalibot sa itim na bahagi ng mata ay maaaring dahil sa pagtanda, ngunit kung ikaw ay wala pa naman sa edad na 45 at mayroon ka nito, posibleng dahil ito sa mataas na kolesterol.
  6. Pagkapagod at madaming pagbabago sa emosyon – Dahil ang iyong katawan ay hindi nakakapagfunction na mabuti, mas madali itong ma-stress at mawalan ng enerhiya.
  7. Pagkirot ng mga paa at pulikat – Ang kakulangan sa sirkulasyon ng dugo ay maaaring magdulot ng discomfort at pananakit ng mga hita at paa. Maaari itong magsimula mula sa balakang pababa sa iyong talampakan. Pwede ka ring makaranas ng pamumulikat sa gabi ng dahil sa pagbabara ng mga ugat.

Pinagmulan: Organic Living

Mungkahing Basahin:
1. Benepisyo ng okra sa kalusugan
2. Pagkaing dapat iwasan kung mataas ang presyon ng dugo