Mindanao Media Hub, Opisyal nang bukas!

 

Mindanao Media Hub, Opisyal nang bukas!

Opisyal nang pinasinayaan ang pinakabago, pinakamalaki, at kauna-unahang media hub ng gobyerno na nasa labas ng Metro Manila ngayong Marso 18, 2021.

Isa ito sa mga legacy ng administrasyong Duterte na naglalayong makapaghatid ng mga napapanahong balita at mahahalagang impormasyon sa mga rehiyon sa Mindanao, lalo pa’t nahaharap pa rin tayo sa pandemyang COVID-19.

Matatagpuan dito sa P700-M media hub na ito ang mga attached agencies ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) tulad ng Philippine News Agency, People’s Television Network (PTV), Philippine Information Agency, at Radio Television Malacanang na layong magkaroon ng sentralisadong regional hub na may mga makabagong pasilidad at kagamitan, para maihatid nang mas mahusay at epektibo ang mga kinakailangang impormasyon sa sambayanang Pilipino.

Pinagmulan: @PCOO

Mungkahing Basahin:

1. Ilog Mindanao