Ano ang laman ng family food packs?

 

Ano ang laman ng family food packs?

Ang Family Food Packs (FFPs) ay ipinamamahagi sa mga pamilya na naapektohan ng kalamidad. Prayoridad na mabigyan nito ang mga pamilya na kasalukuyang nasa Evacuation Centers.

Base sa standards, ang bawat FFP ay may laman na:

  • 10 na de lata;
  • 10 na sachet ng instant drink (kape o cereal drink); at
  • 6 na kilong bigas

Depende sa available na suplay, maaaring magbago ang komposisyon ng FFPs ngunit ang bilang ng laman nito ay alinsunod pa rin sa standard.

Ang food packs ay sapat para sa dalawang araw na pagkonsumo ng isang pamilya na may limang miyembro.

Pinagmulan: @dswdfo5 (Department of Social Welfare and Development Region 5)

Mungkahing Basahin: 

1. Pag-ibig Fund Calamity Loan

2. Ano ang laman ng Family Kit?